Sunday, September 27, 2009

Mikey Arroyo buying liquor amidst Typhoon Ondoy



Maglalasing na lang siguro siya dahil narealize niya na siya ay isang walang silbi at walang kwentang tao.

Tuesday, September 8, 2009

Namputcha

Namputcha o. Ang hirap magblog ah. Then again long weekend this week, lots of ideas going through my head and all I did was play with my son, watch DVD and sleep. Ang dami kong gustong itackle na issue pero halo-halong kalamay ang nasa utak ko. Leche. Manood na nga lang ako ng DVD.

Friday, August 28, 2009

Labanan ang HB 6658

Isa na naming kaululan ang nire-railroad ng mga amuyong sa kongreso. Ito ay ang HB 6658 entitled
AN ACT PROVIDING FOR STIFFER PENALTIES FOR FIREARMS-RELATED CRIMES, FURTHER AMENDING FOR THE PURPOSE PD 1866 AS AMENDED ENTITLED “CODIFYING THE LAWS ON ILLEGAL / UNLAWFUL POSSESSION, MANUFACTURE, DEALING, ACQUISITION OR DISPOSITION OF FIREARMS, AMMUNITION OR EXPLOSIVES AND IMPOSING STIFFER PENALTIES FOR CERTAIN VIOLATIONS THEREOF, AND RELEVANT PURPOSES

Ayon sa panukalang ito, lalo nitong pahihigpitin ang pagmamay-ari ng mga baril ng mga sibilyan. Dinagdagan nito ang restrriksyon sa kung ano ang maaaring ma-acquire ng isang sibilyan a baril
The penalty of reclusion perpetua shall be imposed upon any person who shall unlawfully acquire or possess a light weapon. The term light weapon refers to a weapon designed for use by two or more persons serving as a crew or maybe carried and used by a single person which shall include drum-fed and belt fed submachine light and heavy machine guns, hand held under barrel and mounted grenade launchers, portable anti aircraft guns, portable anti tank guns, recoilless rifles, portable launchers of anti aircraft missile systems and mortars of a caliber of less than one hundred millimeters, a light weapon shall be lawfully acquired or possessed exclusively by the armed forces of the Philippines or the Philippine national police.


In any case, where an unlicensed firearm or light weapon is carried in parts by, or is otherwise in the possession of two (2) or more persons, each and every one of the of those persons shall be deemed in possession of the firearms or light weapon.


When more than three person are armed, and any of the arms carried by any of said persons is an unlicensed firearm or light weapon. It shall be presumed that there is an intention to commit another crime other than that of illegal possession of firearms or light weapon

Binago sa panukalang batas na ito ang depinisyon ng light weapon

1. "designed for use by two or more persons serving as a crew" ALREADY FORBIDDEN TO CIVILIANS.

2. "maybe carried and used by a single person" - that means all guns, no matter the caliber, make or action.

Kung ating susumahin, wala anumang klase o kalibre ng baril ang papasa sa qualification sa itinakda ng panukalang batas na ito. Ang kailangan na lang gawin ng gobyerno ay pahigpitin ng husto ang mga restriksyon upang gawing imposibleng makapagmayari ng baril ang mga sibilyan sa legal na pamamaraan.

Ano ba ang intension sa likod ng batas na ito?
Kung titingnan natin sa mga kasaysayan ng mundo, ang unang hakbangin na ginagawa ng mga despotikong gobyerno upang makapagpatupad ng martial law ay ang pagdisarma sa mga sibilyan. Kung ating matatandaan, noong idineklara ni Presidente Marcos ang Martial Law noong 1972, kasabay na inilunsad ng pamahalaan ang pagkumpiska sa mga baril na nasa pagmamayari ng mga sibilyan, legal man o illegal. Hindi kaya ito ay isa na namang pakana ng gobyernong Arroyo para alisin ang mga baril sa kamay ng mga sibilyan para siguruhin na walang makakahadlang sa balakin niyang magdeklara ng martial law upang mabago ang saligang batas upang mapahaba ang kanyang termino bilang pangulo ng bansa?

At sino naman ang kawawang tatamaan ng panukalang batas na ito? Siyempre ang mga law-abiding citizens. Mga lisensyadong nagmamayari ng baril. Mga lehitimong pribadong indibidwal na namumuhay ng mapayapa at sumusunod sa batas. Ayon na din sa PNP, sa mga krimen kung saan sangkot ang mga baril, 95% ay mga illegal, unregistered at loose firearms ang involved. 5% lang ang involved na mga rehistradong baril. Sa madaling salita, hindi mga lehitimong nagmamayari ng baril ang problema. Sa palagay kaya ng mga kongresistang ito ay susunod sa batas ang mga kriminal? Na hihinto sa pagbili ng matataas na kalibre ng baril ang mga masasamang elemento sa lipunan? Ang tanging gagawin lamang ng panukalang batas na ito ay alisan ng kakayanan ang mga lehitimong at mapayapang sibilyan na ipagtanggol ang kanilang mga sarili laban sa mga masasamang elemento. Iaasa na lang ba natin ang ating kaligtasan sa kapulisan?. Sa mismong oras ba ng pangangailangan darating ba ang pagsaklolo ng kapulisan sa isang kisap mata upang tayo ay iligtas? E alam naman nating lahat na ang kapulisan ay reactive in nature. Sila ay first responders lamang. Meaning, darating sila kapag may nangyari na..

Bilang isang malayang mamamayan, hindi natin dapat iasa sa ibang tao, sa kapulisan o sa pamahalaan ang ating kaligtasan at seguridad. Tungkulin at karapatan nating lahat na ipagtanggol ang ating mga sarili laban sa pisikal na pagatake ng mga masasamang elemento. Tungkulin natin ito sa ating sarili at sa ating mga pamilya. Karapatan natin ito na dapat nating ipagtanggol.

Higit sa lahat, bilang isang malayang mamamayan, kung tayo nga ay totoong malaya, tungkulin nating lahat na ipagtanggol ang mga karapatan at ang demokrasya na tinamo natin. Sa mapayapang pamamaraan kung maaari. Sa pamamagitan ng dahas kung kinakailangan.

Kabi-kabila ang mga kaaway ng ating demokrasya. Mula sa mga komunistang grupo at makakanang radikal hanggang sa mga panatikong grupo ng mga teroristang muslim. Nang dahil sa mga armas sa kamay ng mga sibilyan, naipagtanggol ng mga sibilyan ang kanilang mga sarili laban sa pagatake ng grupo nila Umbra Kato at Kumander Bravo ng MILF sa maraming araw na ayaw silang ipagtanggol ng ating pamahalaan. Bukod sa MILF, nandyan ang Abu-Sayyaf, nandyan din ang CPP-NPA, andyan din ang iba’t-ibang grupo ng mga tulisan. Mga kaaway ng demokrasya. Darating ba ang mga tropa ng pamahalaan bago dumanak ang dugo ng mga inosenteng sibilyan? At kung darating ang panahong ang gobyerno na mismo ang nambibiktima sa mga inosenteng sibilyan, paano natin ipagtatanggol an gating mga sarili? Ilang genocide, at mass murder ang dapat sana’y naiwasan sa buong mundo kung ang mga mapayapang sibilyan ay mayroong armas sa kanilang kamay.
Ang United Nations na siyang pangunahing nagsusulong ng Small Arms control sa buong mundo, ano ba ang nagawa nito upang mapigilan at mahinto ang mga genocide? Inutil ang United Nations laban sa mga ganitong kaganapan. Dahil ang totoo, ang aking kaligtasan, ang iyong kaligtasan at ang ating demokrasya ay kaya lamang ipagtanggol ng ating mithiin na ipagtanggol ito sa kahit anumang paraan. Hindi ba't dahas ang ginamit ni Cory Aquino, aminin man natin o hindi, upang talunin ang mga pagtatangka sa ating demokrasya noong siay ay pangulo?

Unti-unti, nagiging “Nanny state” ang ating bansa. Unti-unti, inaalis ng ating pamahalaan ang mga karapatan nating mga mamamayan. Dapat nating labanan ang anumang batas na naglalayong disarmahan ang mga sibilyan. Tungkulin natin ito. Karapatan natin ito.

 
 
  
 

Conservative Pinoy and his guns

I like guns. I own quite a few. Maybe more than a few. I have spent a considerable amount of money in them. My dad taught me how to shoot when I was 7 years old. It runs in the family.


I believe in gun ownership. For 2 main reasons.
1. It is my "right" (privilege according to Philippine law) and duty to be able to own weapons that I can use to defend myself and my family.
2. It is my duty as a Filipino to own weapons to defend my country against its enemies foreign and domestic.

None of them are airsoft stuff. They are all real steel. Not all of them are still mine, I sold some of them to friends and family.I believe that a free man should be able to own the tools with which he can defend his freedom, his family and his country. An armed citizen is a free man.A disarmed citizen is a subject.

MOLON LABE






Thursday, August 27, 2009

A politician I know

His name is Anthony Miranda. He came form the political clan of the Mirandas from Santiago City, Isabela. His father is the former mayor of Santiago City and was killed in the 1980’s. His older brother Pempe, likewise is a former mayor of Santiago City. Anthony followed in the footsteps of his father and brother. He was elected as councilor of Santiago City duing the term of Pempe as mayor. Then he ran for congressman of the 4th District of Isabela Province in 2004 and won defeating Giorgidi Aggabao. He however lost to Aggabao during the 2007 elections. No I’m not writing about his political convictions. I'm not writing about his accomplishments or lack of thereof. I’m not gonna touch the issues he got involved in. I don’t know anything about that. I’m writing about what I saw during the 2007 elections.

I had to opportunity to get to know the guy when one day in January 2007. I received a text message from him asking me to meet him in Annabel’s in Tomas Morato. I said what the fuck? Why would a politician be interested in meeting me?. At that time aside from my regular job as an IT officer in a remittance company, I also work as a part-time IT instructor in Informatics at SM North Edsa. Apparently, he asked Informatics for an IT person capable of working with Geographic Information Systems (GIS). I was the one they referred. So I met the guy and he contracted me to work on a GIS project that he can use to monitor where his PDF goes and to profile his constituents. He also plans to use it for analyzing the voters in his district. The guy is a big believer in technology.

In the 5 months that followed, I was traveling weekly to Santiago, Isabela for continued consultation on the project. Eventually I became close to his family, as election period draws near, I learned and personally saw the practice of the Miranda family. The Miranda family never spent a single cent buying votes. They never used goons to intimidate voters. This I personally saw during the 2007 elections. As I grew close to Anthony’s family, I also became involved in the campaigns. Their practice of not buying votes has always worked for them. Although not all of them wins, a Miranda is always in position. His brother Pempe lost to Amelita Navarro as mayor of Santiago City in 2004 but Anthony won as congressman, Sadly though, the Miranda family’s luck ran out in 2007. They lost due to massive vote buying, voter intimidation and vote rigging of their opponents. Their opponents have put vote buying stations early on during the campaign but the Mirandas never did. While the Mirandas have in fact bodyguards, they never hired goons. In fact while their opponents are using goons and committed murder, and cheated their way to the final canvassing of ballots, the Mirandas never did try to cheat in any way during the 2007 elections. I know this for a fact, I was there.

They lost the elections. But they lost the elections gracefully. And nope, I don’t have anything invested in this. I’m not a voter in his district. I don’t know how honestly he performed his job when he was congressman, but I know he honestly campaigned and never tried to cheat during the 2007 elections. And for that, my hats off to the Miranda family, especially to Anthony. And may you have better luck this coming 2010 election.

MMDA and LGUs

I wonder who is the whiz kid that figured that MMDA should handle traffic enforcement in Metro Manila. It should be the job of the PNP to enforce traffic. The police is more authoritative and can force compliance and enable arrest to those who violate traffic rules. At the same time, letting the PNP handle traffic enforcement in Metro Manila improves police visibility and can deter street crimes. This would also improve the PNP’s response time to distress calls. The MMDA on the other hand is useless for anything but flagging down motorists who most of the time does not comply.

In my opinion, MMDA is just a waste of funds and resources. Funds allocated for equipment and salaries given to MMDA traffic enforcers would be better served if they would be used to buy equipment and recruit additional PNP personnel. This is one solution to address the shortage of funds for salaries and equipment of the PNP. There is nothing that MMDA traffic enforcers that PNP personnel cannot do. And the PNP can do it better, much much better. PNP personnel are better trained and better equipped to do the job.

This logic also applies to LGUs who are employing people for traffic enforcement. Metro Manila LGUs are employing ill-trained, ill-mannered idiots to do the job of traffic enforcement in their respective cities and municipalities. Most of those employed by the LGU does not even have the proper educational attainment and logical thinking to enforce traffic rules. They are being employed because these people are relatives and minions of the barangay captains who supported them during the elections. Instead of wasting funds paying for the salaries of these idiots, why not donate the funds to PNP so it can be used for recruitment, increase of salaries and purchase of equipment. And I bet if they donate generously to the PNP, they can request additional police personnel for the cities and municipalities.

Of course, this needs legislation in order for this practice of the LGUs to be stopped. Terrible waste of tax payers’ money. And yeah, aside from traffic enforcement, other MMDA functions are just duplicate functions of Metro Manila Local Government Units (LGU). So why not abolish MDDA all the way and let the LGUs do what they are supposed to do.

Follow up on the Boundary System

Was listening to DZRH kaninang umaga at isang topic sa morning show ni Joe Taruc ay legal advise ng isang abogadong babae (I forgot her name) ay ang status ng employment ng mga drivers ng pampublikong sasakyan bilang swelduhang emplyedo ng kani-kanilang mga operators. Apparently sabi ng abogadang ito, matagal na palang ipinagbabawal ang boundary system sa mga pampublikong sasakyan. Hindi lang ipinatutupad ng mga ahensya ng gobyerno. I would have to make a research on this kung totoo ngang ipinagbabawal na ito ng batas.

And who doesn't get it? Apparently the Philippine National Police. Iniisip ng pamunuan ng PNP na ang pagtataguyod ng driver's academy ang solusyon sa problema ng mga problema at aksidente sa trapiko dulot ng road rage at kawalan ng dispilina sa kalsada. Sa isang banda, may katwiran nga naman ang PNP. Karamihan ng mga nagmamaneho dito sa Pilipinas, lalo na ng mga pampublikonhg sasakyan, walang formal training sa pagmamaneho. Ni hindi alam ang konsepto ng right of way at road courtesy. Pero mas malaking dahilan ng kawalan ng disiplina sa kalsada ng mga driver ng mga pampublikong sasakyan ay ang motivation na kumita ng pera. Kelangan habulin nila ang kanilang boundary sa mga operators ng mga sasakyan ipinapasada nila. Dahil kung hindi ay wala silang maiuuwing kita sa kanilang pamilya.

Wednesday, August 26, 2009

Itigil ang Boundary System

Today’s editorial at the Philippine Star gets it right. http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=499375 . Ang boundary system ng mga drivers at konduktor ng mga bus at jeep ang pinakamalaking dahilan ng pagsisikip ng trapiko sa bansa. Hindi lang ng pagsisikip kundi na rin ng mga aksidente sa kalsada. Para lamang makarami ng mga pasahero ang driver ng bus at jeep, nagkakarera sila sa kalsada, ihinaharang ang mga naglalakihang sasakyan nila at ngapapakatagal sa mga pilihan para mahakot nila ang lahat ng pasahero. Nang dahil sa boundary system, nawawala na ang disiplina sa pagmamaneho.


Gaano ba kalaki ang cost ng trapik sa ekonomiya ng ating bansa. In terms of productivity and opportunities lost dahil nasasayang ang oras ng mga tao sa grabeng trapik araw-araw. Ikumpara natin sa kita ng iilang operators ng bus at jeep na sila lang ang nakikinabang sa grabeng trapik na dulot ng boundary system sa pamamasada. At gaano karami ng tao ang nadisgrasya ng dahil sa ganitong sistema.


Sa aking palagay, dapat ng ipagbawal ang boundary system sa pamamasada. Dapat gawing swelduhan na lamang ang mga driver at konduktor ng jeep at bus. Malaki ang iluluwag ng trapik sa ating mga kalsada lalong lalo na sa Metro Manila kapag ginawa ito at malaki din ang mababawas sa mga sakunadulot ng kawalan ng disiplina sa pagmamaneho ng mga driver ng pampublikong sasakyan. Mababawasan din ang road rage sa kalsada. Sa totoo lang hindi, hindi natin kailangan ang number coding scheme at kung ano-ano pang scheme. Ito lang ipatupad ng gobyerno, tiyak na malaki ang ikaayos ng daloy ng trapiko sa ating bansa.

Monday, August 24, 2009

Samahan ng mga pulitiko

Ano ba ang isang political party. Ayon sa Wikipedia “A political party is a political organization that seeks to attain and maintain political power within government, usually by participating in electoral campaigns. Parties often espouse an expressed ideology or vision bolstered by a written platform with specific goals, forming a coalition among disparate interests.”


EXPRESSED IDEOLOGY OR VISION. Sa ibang bansa na meron conservative party o republican party (in the US) para sa mga naniniwala sa conservative politics. Merong liberal party, labour party, socialist party or Democrats (in the US) para sa mga naniniwala sa iba-ibang porma ng socialism. Meron din Green Party para sa mga environmentalist. Meron din naman political party para sa mga moderates na tinatawag.
Dito sa Pilipinas sa aking pagkakaalam, maliban sa mga radikal na partidong makakaliwa at makakanan dito sa ating bansa wala ni isa man sa mga partidong pulitikal sa atinmg bansa ang mayroong ideolohiyang pinagkakaisahan. Liberal, conservative, moderate chuva chuva. Labo labo sila. Halo-halong kalamay kung baga. Mga Populista sa madaling salita. Marami nga sa mga pulitiko sa atin, walang idolohiya. Sa ating bansa ang definition ng political party ay iisa lamang. Samahan ng mga pulitiko.


Panisinin ninyo. Ano ba ang plataporma de gobyerno ng LAKAS-CMD? Ano ang kaibahan nito sa KAMPI? Meron bang mga liberal sa Liberal Party? May nasyolista ba sa Partido Nacionalista? Sa pilipinas walang dalang plataporma ang mga political parties. Ang platapormang dala nila ay kung ano ang plataporma ng kanilang kandidato? Sa ibang bansa tulad ng US, hindi ka basta basta maaaring magpalit ng partido mo ng hindi mo pinapalitan ang idolohiyang itinataguyod mo. Magmumukha kang tanga kung ikaw ay Democrat (liberal) ay biglang babaklas at lilipat sa Republican (conservative). Kadalasan, ang kanilang pagbaklas sa kanilanag kinaanibang partido, yun na din ang katapusan ng kanilang career sa pulitika. Sa Pilipinas, hindi yun problema. Dahil sa wala naman sila lahat idolohiya, maaaring magpalit ng political party na kinaaaniban na para ka lang nagpapalit ng underwear. Parang OXO, Sigue-Sigue, Bahala Na Gang, Batang City Jail at kung ano ano pang gang. Samahan ng mga pulitiko o isang gang na matatawag. Walang idolohiya at wala ding loyalties. Kaya tingnan nyo ang mga hinayupak, puro sila balimbing. At hindi sila out of place sa kahit saang partido sila mapunta. Dahil ang katotohanan, isa lang naman ang pinagkakaisahan at idolohiya nila, PANSARILING KAPAKANAN.

Introduction

Sino ako? Ako ay isang ordinaryon tao lamang na may malawak at kakaibang mga karanasan. Hindi ko naenjoy ang kabataan ko dahil na din sa aking sariling mga kagagawan. Hindi ko ie-elaborate kung ano ang aking mga karanasan noong kabataan ko para na din sa aking sariling kapakanan. Bahala na kayong humusga base sa kung ano nilalaman ng aking blog. Pero sa mga maraming bagay, ako ay katulad din ng marami sa inyo. I am as ordinary as most people can get. 32 years old. Manager sa isang pribadong kumpanya. May asawa at isang anak. Katulad ninyog lahat na nagtratrabaho upang mabuhay ng marangal at nakataas ang noo.


Bakit conservative pinoy ang naisip kong title ng aking blog space? Hindi po dahil sa ako ay makaluma o makaluma ang mga paniniwala. Conservative dahil ako ay fiercely independent. Naniniwala ako sa personal na responsibilidad. Na ako lamang at hindi ibang tao ang tutupad ng aking mga adhikain sa buhay. Personal kong pananagutan ang aking seguridad at seguridad at kapakanan ng aking pamilya. Conservative, yan din ang aking pampulitikang paniniwala. At dahil Conservative Pinoy ang title ng aking blog space, ito din ang magiging laman ng karamihan sa aking mga blog.

First Blog.

This is my first time to blog. Pardon me pero hindi talaga ako writer. Ako ay isang ordinaryong tao na lamang na walang hilig magsulat. Wala akong talent dyan. Hindi ko din kayang guamwa ng mga youtube videos dahil una hindi ko linya yan. Wala talaga akong talento pagdating dyan. Hindi sapat ang mga creative juices sa aking katawan upang maging interesante sa ibang tao ang mga pinaggagawa ko. Pero marami akong opinion. Opinyon na base sa mga aktuwal kong karanasan. Mga karansan na hindi naranasan ng karamihan sa mga ordinaryong Pilipino. Sapat na karansan upang maging kontrobersyal sa maraming tao at maaaring hindi kayang lunukin ng iba.

Matagal ng kong nagsubscribe sa blogsite na ito. Marami din akong idea na gusting i-blog. Pero di ko alam kung paano uumpisahan dahail nga hindi ko naman talaga linya ito. At sa mga pagkakataon na alam ko na kung paano umpisahan, kadalasan ay tinatamad ako at mas gusto ko na lang maglaro ng PC games o kaya manood ng DVD maghapon o kaya ay makipaglaro sa anak ko na malapit ng mag-1 taon.

Pero sa wakas nasimulan ko din. Sana tuloy tuloy na ito. Sana maisakripsiyo ko ang paglalaro ng PC game o panonood ng DVD maghapon (hindi ko isasakripisyo ang oras ko sa anak ko at asawa ko) para paminsan-minsan ay makapagblog.

Pagpasensyahan nyo na at baguhan lang ako sa ganitong karanasan.

Hanggang sa muli.